Showing posts with label pang-angkop. Show all posts
Showing posts with label pang-angkop. Show all posts

Tuesday, February 12, 2013

filipino 4 worsheet



FILIPINO 4
I. Isulat sa patlang kung ang lipon ng mga salita ay parirala, sugnay o pangungusap.
______________ 1. masigasig na nagtatrabaho
______________ 2. dahil delikado ang panahon ngayon
______________ 3. kumuha ka ng tubig
______________ 4. kung nag-aaral ka
______________ 5. tara na
II. Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi; B kung pambalana at L kung lansakan ang salitang nasa loob ng panaklong.
    ______ 6. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas.
    ______ 7. Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin.
    ______ 8. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
    ______ 9. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas.
    ______ 10. Ang (koponan)ng mga Hapon ay natalo sa pagbabalik ng mga Amerikano.
    B. Isulat sa patlang ang K kung ang pangngalan ay kongkreto. DK kapag di-kongkreto.

_____ 11. tuwalya
_____ 12. kaayusan
_____ 13. Dalamhati
     _____ 14. bahay-kubo
_____ 15. deboto


III. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi.
_____ 16. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas sila nag-aaral.
_____ 17. Dentista ang mga magulang niya.
_____ 18. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
_____ 19. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
_____ 20. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
IV. Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga pangngalang nakasalangguhit. Isulat sa patlang ang sagot.
______________ 21. Si Rod at Ali ang maghahatid sa mga bisita.
______________ 22. Ako at ang mga kapitbahay namin ang nagtutulungan upang mapaganda ang aming barangay.
______________ 23. Hinahanap ka ni Randy kanina.
______________ 24. Baon ko at ni Kuya ang hinahatid ni Kuya Akoy araw-araw.
______________ 25. Sasama ka ba at si Ariel sa pamimili mamaya?
 B. Isulat sa mga patlang ang kailanan at panauhan ng mga sumusunod na panghalip.

26. amin          ______________  _____________
27. kanya        ______________  _____________
28. mo            ______________  _____________
29. siya           ______________  _____________
30. kanila        ______________  _____________

D. Salangguhitan ang panghalip sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay palagyo,paari o paukol.
______________ 31. Magtatanim sa amin ang mga magsasaka.
______________ 32. Huwag ninyong sirain ang ating kalikasan.
______________ 33. Kanilang ibenenta ang mga lumang dyaryo at bote.
______________ 34. Nawala ang wallet niya sa Quiapo.
______________ 35. Bukas na kita sasamahan sa bayan.

V. Salangguhitan ang mga pandiwang ginamit sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay perpektibo, imperpektibo o kontemplatibo.
______________ 36. Dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong Marso 15, 1512.
______________ 37. Nababagalan ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa colonial mentality.
______________ 38. Lilibutin namin ang buong Tagaytay sa bakasyon.
______________ 39. Ipinagbabawal ang pagkuha sa mga pambansang bantayog.
______________ 40. Kagabi pa tinapos ng mga bata ang kanilang proyekto sa Filipino.
 VI. Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga nakasalangguhit na pang-uri.
_____________ 41. Maliit na maliit na ang damit na yan para sa iyo.
_____________ 42. Si Ate Roshel at Juice ay magkasingtangkad na.
_____________ 43. Maamo ang nahawakan kong tigre.
_____________ 44. Ubod ng tamis ang natikaman ni Candice na mangga.
_____________ 45. Singbilis ng humaharurot na sasakyan ang kabayo.


B. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay: A- panlarawan; B- pamilang; C- paari; D- pantangi.
_____ 46. Nagpupunta dito sa Pilipinas ang mga Koreano upang matuto ng wikang Ingles.
_____ 47. Ang aklat ay nasa ika-pitong edisyon na.
_____ 48. Malala na pala ang sakit ni Lolo.
_____ 49. Nanakaw ang bag niya sa Quiapo.
_____ 50. Maputik at gusut-gusot ang polo ni Juice nang umuwi  siya.
VIII. Bilugan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.
    51. Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
    52. Ang mga papel na basa ay inihiwalay niya ng lalagyan.
    53. Dinala sa ospital ang mga sugatang sundalo.
    54.  Ang paborito niyang itim na blusa ay binigay niya sa kaibigan.
    55. Masusustansiyang pagkain ang dapat na kinakain mo upang di ka magkasakit.
IX. Salangguhitan ang wastong pang-ukol para sa bawat pangungusap.
56. (Laban sa, Tungkol sa, Ayon sa ) batas ang magnakaw.
57. Ang seminar na ginanap ay (para sa, kay, ayon sa) pangangalaga ng mga endangered na hayop.
58. (Ayon sa , Tungkol sa, Labag sa) mga Kastila, pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang pakay nila sa Pilipinas.
59. Ang balita ay (ayon kay, tungkol kay, hinggil sa) pagpapatalsik kay Chief Justice Corona.
60. Sinundo ko (kay, ng, sa) kanto ang nakababata kong kapatid.
X. Salangguhitan ang mga pang-abay at bilugan ang salitang tinuturingan. Sa patlang, isulat ang uri nito.
_____________ 61. Sa tabi ng bahay siya nagtago.
_____________ 62. Sunud-sunod na nagmano ang mga inaanak ni Mang Ben.
_____________ 63. Nanakaw yata ang wallet ko sa bag.
_____________ 64. Ang naani nilang gulay ay kaunti lamang.
_____________ 65. Ayaw kong sumama sa iyo.
_____________ 66. Paiyak na nagsumbong ang batang inaway.
_____________ 67. Dumating na kani-kanina lang ang mga bisita.
_____________ 68. Talagang mahusay na aktor si Nicolas Cage.
B. Gumawa ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-abay.
69. pagalit
________________________________________________________________________________
70. tunay
________________________________________________________________________________
71. wala
________________________________________________________________________________
72. gaya
________________________________________________________________________________
XI. Magbigay ng tatlong halimbawa ng karapatan ng mga bata.
73. ________________________________________________________________________________
74. ________________________________________________________________________________
75. ________________________________________________________________________________
XII. Tukuyin ang mga bahagi ng aklat. Isulat ang sagot sa patlang.
_______________ 76. Makikita dito ang mga kahulugan ng mga pili at mahahlagang salitang ginamit sa aklat.
_______________ 77. Nakasulat dito ang mga pamagat ng bawat yunit at mga paksang babasahin kasama ang mga babasahin kasama ang mga pahina kung saan ito matatagpuan.
_______________ 78. Nakasaad dito ang pagkakalimbag ng aklat, ang lugar at pangalan ng palimbagan pati na rin ang tungkol sa pagmamay-ari at karapatang maglimbag.
_______________ 79.  Nagsasaad ito ng mga paksang nakaayos nang paalpabeto at ang mga pahina kung saan ito matatagpuan.
_______________ 80. Makikita dito ang layunin kung bakit sinulat ang aklat.

filipino worksheet



FILIPINO 5
I. A. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap. Isulat ang K kung ito ay kongkreto; DK- di- kongkreto at L kung lansakan.
____ 1. Nagtangkang manakop si Ferdinand Magellan at nagtagumpay siya.
____ 2. Pinapastol niya ang mga kawan ng tupa.
____ 3. Ang kabayanihan niya ay ipinagdiriwang palagi.
____ 4. Ang mga lumang diyaryo ay maaari pang gamitin.
____ 5. Ang koro ay handa nang umawit.
B. Salangguhitan ang mga pangngalan sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi.
______ 6. Magaganda ang tanawin sa Baguio.
______ 7. Dentista ang tumulong sa kaniya.
______ 8. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
______ 9. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
______ 10. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
 C. Isulat sa patlang ang kasalungat na kasarian ng mga sumusunod na pangngalan.

11. bibibini   -   _____________
12. mister     -   _____________
13. barako    -   _____________
14. duke       -    _____________
15. inahin     -   _____________

 D. Tukuyin ang gamit ng pangngalang may salangguhit sa pangungusap. Pumili ng sagot sa ibaba. Isulat ang titik lamang.

             A. simuno                              E. panawag
             B. panaguri                            F. pamuno
             C. layon ng pandiwa              G. paari
             D. layon ng pang-ukol            H. balintiyak

______ 16. Ang magiting na tagapagsalita ay pinalakpakan dahil sa husay niya.
______ 17. Binigay ko kay Jose ang mga pinaglumaan kong damit.
______ 18. Ginapas ng magsasaka ang mga tubo sa halamanan.
______ 19. Luis, halika nga rito.
______ 20. Si Louil, na matalik kong kaibigan, ay nasa Italya na.
______ 21. Ang aking mga kapatid ay kapwa matatalino.
______ 22. Isang maunawaing ina si Doris.
______ 23. Binili ni Karen ang mga laruan sa Hongkong.
______ 24. Inayos ng ama niya ang mga nasirang upuan.
______ 25. Namumunga na ang mga pananim ni Lolo.
II. Salangguhitan ang panghalip sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay palagyo, paari o palayon.
______________ 26. Magtanim kayo ng mga gulay sa hardin.
______________ 27. Huwag ninyong sirain ang ating kalikasan.
______________ 28. Ininom  ko na ang gamot sa loob ng ref.
______________ 29. Nawala ang wallet niya sa Quiapo.
______________ 30. Ipinamahagi niya ang pagkain sa mahihirap.
 B. Palitan ang mga nakasalangguhit na salita/mga salita ng angkop na panghalip pananong. Isulat ang tamanag sagot  sa patlang.
______________ 31. Sina Dory at Nemo ay naligaw sa karagatan.
______________ 32. Nagpunta sa Hollywood California ang mag-anak.
______________ 33. Mas gusto niya ang Choco-nut kesa peanut butter.
______________ 34. Bumili si Jade ng 50 metrong lubid na straw kay Ate Tina.
______________ 35. Nakahanap siya ng tig-sampung pisong panyo sa tiangge.
C. Bilugan ang panghalip sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay pamatlig o panaklaw.
______________ 36. Pulos bulok na ang mga manggang paninda sa palengke.
______________ 37. Doon kami madalas magpunta sa parke.
______________ 38. Kahit anuman ang mangyari, hindi kita pababayaan.
______________ 39. Dito mo na ilagay ang mga gamit mo.
______________ 40. Hayun ang sumabit na saranggola sa poste.


III. Salangguhitan ang mga pandiwang ginamit sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang aspekto nito.
______________ 41. Ang mga bata ay nakikinig ng maayos sa kanilang guro.
______________ 42. Magdidiwang  ng ika-10 anibersaryo ang paaralan.
______________ 43. Maaga pa lang ay naglilinis na si Mang Ambo ng kanyang hardin.
      ______________44. Magbigay ka ng tulong sa mga mahihirap.
______________ 45. Si Tatay ay tatawag bukas.
______________ 46. Matulog ka ng maaga mamaya.
IV. Salangguhitan ang pokus ng pandiwa. Bilugan ang pandiwang ginamit. Isulat sa patlang ang T kung ito ay tagaganap; L kung layon; at G kung ganapan.
______________ 47. Si Dr. Jose Rizal ang nagsulat ng Noli Mi Tangere at El Fibusterismo..
______________ 48. Itinatag niya ang La Liga Pilipinas.
______________ 49. Pinaglutuan ang bagong palayok ng sinigang.
______________ 50. Pumasa si Ana sa pagsusulit.
______________ 51. Ipinapatimpla siya ng kape ng mga panauhin.
______________ 52. Ang malaking basket ay pinagsidlan ng mga paninda.
V. Salangguhitan ang mga pangatnig na ginamit sa pangungusap.
53. Siya ang unang umamin, samakatwid isa siya sa may kasalanan.
54. Gutom pa rin ang lalaki kahit marami na siyang kinaing kanin.
55. Papasukin mo ang bisita sakaling dumating na.
56. Si Mabel o si Rose ang lalahok sa patimpalak.
57. Masipa si Jade subalit sumpungin.
58. Ikaw ang kasali maliban sa kaibigan mo.
B. Bilugan ang wastong pang-ukol para sa bawat pangungusap.
59. (Para kay, Ayon kay, Tungkol kay) Inay ang mga pulang rosas na dala ko.
60. Huwag mong gawin ang mga bagay na (ayon sa, mula sa, labag sa)iyong kalooban.
61. Ang plataporma niya ay (labag sa, laban sa, tungo sa) ikauunlad ng ating bansa.
62. (Ayon sa, Para sa, Ukol sa) mga drayber ng dyip, magtataas na sila ng pamasahe.
63. Ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at estero ay (ayon sa, labag sa, tungkol sa) batas.
64. Ginagawa ng mga magulang ang lahat (para kay, para sa, ukol sa ) kanilang mga anak.
C. Bilugan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.
    65. Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
    66. Ang mga papel na basa ay inihiwalay niya ng lalagyan.
    67. Dinala sa ospital ang mga sugatang sundalo.
    68. Ang paborito niyang itim na blusa ay binigay niya sa kaibigan.
    69. Masusustansiyang pagkain ang dapat na kinakain mo upang di ka magkasakit.
70. Mahilig kumain ng sariwang gulay si Jello.
VI. Isulat ang K sa patlang kung katotohanan ang pahayag, O kung ito ay opinyon ayon sa kwentong “Ang Magkakaputol”.
______ 71. Ayon sa kwento, pinakamariwasa sa kanilang bayan si Don Felix.
______ 72. Nananahan ang magkakapatid sa isang malaki at magarang tahanan.
______ 73. Ang bunsong si May ay matapobre at maramot raw.
______ 74. Dinapuan ng isang malubhang karamdaman ang kanilang ina.
______ 75. Tiyak na ipamamana ka May ang magarang bahay.
VII. Bilugan ang pang-uri. Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga sumusunod na pangungusap.
_____________ 76. Maliit na maliit na ang damit na yan para sa iyo.
_____________ 77. Si Ate Roshel at Juice ay magkasingtangkad na.
_____________ 78. Maamo ang nahawakan kong tigre.
_____________ 79. Ubod ng tamis ang natikaman ni Candice na mangga.
_____________ 80. Singbilis ng humaharurot na sasakyan ang kabayo.
C. Bumuo ng mga pangungusap tungkol sa pangkat ng mga pangngalan na gumagamit ng tatlong kaantasan ng pang-uri. Gamitin ang pang-uri sa panaklong.
 pusa – aso – elepante (malaki)
81. Lantay _________________________________________________________
82. Pahambing _________________________________________________________
83. Pasukdol _________________________________________________________

 pinya – manggang hilaw – santol (maasim)
84. Lantay _________________________________________________________
85. Pahambing _________________________________________________________
86. Pasukdol _________________________________________________________

IX. Ipaliwanag sa maiksing pangungusap ang mga sumusunod na salawikain.
87-88. Ang mga anak na tumatawag sa Diyos, sa biyaya ay napupuspos.


89-90. Kung may itinanim may aanihin.