FILIPINO 5
I. A. Bilugan ang pangngalan sa
pangungusap. Isulat ang K kung ito ay
kongkreto; DK- di- kongkreto at L
kung lansakan.
____ 1. Nagtangkang manakop si Ferdinand Magellan at nagtagumpay siya.
____ 2. Pinapastol niya ang mga kawan ng tupa.
____ 3. Ang kabayanihan niya ay ipinagdiriwang palagi.
____ 4. Ang mga lumang diyaryo ay maaari pang gamitin.
____ 5. Ang koro ay handa nang umawit.
B. Salangguhitan ang mga pangngalan sa loob
ng pangungusap. Isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung
pantangi.
______
6. Magaganda ang tanawin sa Baguio.
______
7. Dentista ang tumulong sa kaniya.
______
8. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
______
9. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
______
10. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
C. Isulat sa patlang ang kasalungat na
kasarian ng mga sumusunod na pangngalan.
11.
bibibini - _____________
12.
mister - _____________
13.
barako - _____________
14.
duke - _____________
15.
inahin - _____________
D.
Tukuyin ang gamit ng pangngalang may salangguhit sa pangungusap. Pumili ng
sagot sa ibaba. Isulat ang titik lamang.
A. simuno E. panawag
B. panaguri F. pamuno
C. layon ng
pandiwa G. paari
D. layon ng pang-ukol H. balintiyak
______ 16. Ang
magiting na tagapagsalita ay pinalakpakan dahil sa husay niya.
______ 17. Binigay ko
kay Jose ang mga pinaglumaan kong damit.
______ 18. Ginapas
ng magsasaka ang mga tubo sa halamanan.
______ 19. Luis,
halika nga rito.
______ 20. Si
Louil, na matalik kong kaibigan, ay nasa Italya na.
______ 21. Ang
aking mga kapatid ay kapwa matatalino.
______ 22. Isang
maunawaing ina si Doris.
______ 23. Binili
ni Karen ang mga laruan sa Hongkong.
______ 24. Inayos
ng ama niya ang mga nasirang upuan.
______ 25.
Namumunga na ang mga pananim ni Lolo.
II. Salangguhitan ang panghalip sa
pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay palagyo,
paari o palayon.
______________
26. Magtanim kayo ng mga gulay sa hardin.
______________
27. Huwag ninyong sirain ang ating kalikasan.
______________
28. Ininom ko na ang gamot sa loob ng
ref.
______________
29. Nawala ang wallet niya sa Quiapo.
______________
30. Ipinamahagi niya ang pagkain sa mahihirap.
B.
Palitan ang mga nakasalangguhit na salita/mga salita ng angkop na panghalip
pananong. Isulat ang tamanag sagot sa
patlang.
______________
31. Sina Dory at Nemo ay naligaw sa karagatan.
______________
32. Nagpunta sa Hollywood California ang mag-anak.
______________
33. Mas gusto niya ang Choco-nut kesa peanut butter.
______________
34. Bumili si Jade ng 50 metrong lubid na straw kay Ate Tina.
______________
35. Nakahanap siya ng tig-sampung pisong panyo sa tiangge.
C. Bilugan ang
panghalip sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay pamatlig o panaklaw.
______________ 36.
Pulos bulok na ang mga manggang paninda sa palengke.
______________ 37. Doon
kami madalas magpunta sa parke.
______________ 38.
Kahit anuman ang mangyari, hindi kita pababayaan.
______________ 39. Dito
mo na ilagay ang mga gamit mo.
______________ 40.
Hayun ang sumabit na saranggola sa poste.
III. Salangguhitan ang mga pandiwang
ginamit sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang aspekto nito.
______________ 41. Ang mga bata ay nakikinig ng maayos sa
kanilang guro.
______________ 42. Magdidiwang ng ika-10 anibersaryo ang paaralan.
______________ 43. Maaga pa lang ay naglilinis na si Mang
Ambo ng kanyang hardin.
______________44. Magbigay
ka ng tulong sa mga mahihirap.
______________ 45. Si Tatay ay tatawag bukas.
______________ 46. Matulog ka ng maaga mamaya.
IV. Salangguhitan ang pokus ng pandiwa. Bilugan
ang pandiwang ginamit. Isulat sa patlang ang T kung ito ay tagaganap; L kung layon; at G kung ganapan.
______________ 47. Si Dr. Jose Rizal ang nagsulat ng
Noli Mi Tangere at El Fibusterismo..
______________ 48. Itinatag niya ang La Liga
Pilipinas.
______________ 49. Pinaglutuan ang bagong palayok ng
sinigang.
______________ 50. Pumasa si Ana sa pagsusulit.
______________ 51. Ipinapatimpla siya ng kape ng
mga panauhin.
______________ 52. Ang malaking basket ay pinagsidlan
ng mga paninda.
V. Salangguhitan ang mga
pangatnig na ginamit sa pangungusap.
53. Siya ang unang umamin, samakatwid
isa siya sa may kasalanan.
54. Gutom pa rin ang lalaki kahit
marami na siyang kinaing kanin.
55. Papasukin mo ang bisita sakaling
dumating na.
56. Si Mabel o si Rose ang lalahok sa
patimpalak.
57. Masipa si Jade subalit sumpungin.
58. Ikaw ang kasali maliban sa
kaibigan mo.
B. Bilugan ang wastong pang-ukol para sa
bawat pangungusap.
59. (Para kay, Ayon
kay, Tungkol kay) Inay ang mga pulang rosas na dala ko.
60. Huwag mong
gawin ang mga bagay na (ayon sa, mula sa, labag sa)iyong kalooban.
61. Ang plataporma
niya ay (labag sa, laban sa, tungo sa) ikauunlad ng ating bansa.
62. (Ayon sa, Para
sa, Ukol sa) mga drayber ng dyip, magtataas na sila ng pamasahe.
63. Ang pagtatapon
ng basura sa mga ilog at estero ay (ayon sa, labag sa, tungkol sa) batas.
64. Ginagawa ng mga
magulang ang lahat (para kay, para sa, ukol sa ) kanilang mga anak.
C. Bilugan
ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.
65. Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
66. Ang mga papel na basa ay inihiwalay
niya ng lalagyan.
67. Dinala sa ospital ang mga sugatang
sundalo.
68. Ang paborito niyang itim na blusa ay
binigay niya sa kaibigan.
69. Masusustansiyang pagkain ang dapat na
kinakain mo upang di ka magkasakit.
70. Mahilig kumain ng sariwang gulay si Jello.
VI. Isulat ang K sa patlang kung
katotohanan ang pahayag, O kung ito ay opinyon ayon sa kwentong “Ang
Magkakaputol”.
______ 71. Ayon sa kwento,
pinakamariwasa sa kanilang bayan si Don Felix.
______ 72. Nananahan ang magkakapatid
sa isang malaki at magarang tahanan.
______ 73. Ang bunsong si May ay
matapobre at maramot raw.
______ 74. Dinapuan ng isang
malubhang karamdaman ang kanilang ina.
______ 75. Tiyak na ipamamana ka May
ang magarang bahay.
VII. Bilugan ang
pang-uri. Isulat sa patlang kung lantay,
pahambing, o pasukdol ang mga sumusunod na pangungusap.
_____________ 76. Maliit na maliit na ang damit na yan
para sa iyo.
_____________ 77. Si Ate Roshel at Juice ay magkasingtangkad
na.
_____________ 78. Maamo ang nahawakan kong tigre.
_____________ 79. Ubod ng tamis ang natikaman ni Candice na
mangga.
_____________ 80. Singbilis ng humaharurot na sasakyan ang
kabayo.
C. Bumuo ng mga
pangungusap tungkol sa pangkat ng mga pangngalan na gumagamit ng tatlong
kaantasan ng pang-uri. Gamitin ang pang-uri sa panaklong.
pusa – aso – elepante (malaki)
81. Lantay
_________________________________________________________
82. Pahambing
_________________________________________________________
83. Pasukdol
_________________________________________________________
pinya – manggang hilaw – santol (maasim)
84. Lantay
_________________________________________________________
85. Pahambing
_________________________________________________________
86. Pasukdol
_________________________________________________________
IX.
Ipaliwanag sa maiksing pangungusap ang mga sumusunod na salawikain.
87-88. Ang mga anak na tumatawag sa Diyos, sa biyaya ay
napupuspos.
89-90. Kung may itinanim may aanihin.
Where do we find the answers?
ReplyDeletesana may sagot
ReplyDeleteonga
ReplyDeletepalagyan ng sagot
ReplyDeletesaan yung sagot
ReplyDeletepaki lagyan ng sagot
ReplyDeletedami na naming naghahanap ng sagot
ReplyDeletedi pa naglalagay
ReplyDeleteWag na kayo magreklamo. Sagutan nyo na lang. Iginawa na nga kayo reklamo pa
ReplyDeletebuti na lang walang answer...we can do our own search and learn more in the process....thanks for the effort in putting this quiz together! AMAZING!
ReplyDeletesalamat po
Deletesana po may sagot .. salamat
ReplyDeleteBig help for reviewing my kids! Thanks!
ReplyDeletethank you this is a big help to us
ReplyDelete