Showing posts with label gamit ng pangngalan. Show all posts
Showing posts with label gamit ng pangngalan. Show all posts

Tuesday, February 12, 2013

filipino 3 worksheet



FILIPINO gr. 3
I. Lagyan ng simbolo ang salitang may salangguhit. Isulat sa patlang ang bigkas nito.
______________ 1. puno ng bayabas
______________ 2. tumakbo ang bata
______________ 3. basa sa pawis
______________ 4. mabangong bulaklak
______________ 5. puting keso
II. Isulat sa unang patlang ang salitang-ugat ng may salangguhit na salita. Sa isang patlang, isulat ang uri ng panlaping ikinabit dito.
______________  ______________ 6. Si Cherry ay nag-iipon para sa kinabukasan niya.
______________  ______________ 7. Dapat nating bayaran ang ating pagkakautang.
______________  ______________ 8. Huwag paluhain ang mga taong minamahal.
______________  ______________ 9. Naklimutan ko ang aking aklat kahapon.
______________  ______________ 10. Si Melissa ay sumulat ng isang sanaysay.
III. Isulat ang P kapag payak ang salita; M kapag maylapi; I kung inuulit at T kapag tambalan.

_____ 11. luntian
_____ 12. pamatid-gutom
_____ 13. binyag
    _____ 14. mayamaya
_____ 15. pasukan

IV. Isulat sa patlang ang O kung ang pangungusap ay nagsasaad ng opinion at K kung katotohanan.
_____ 16. Si Cory Aquino ay naging pangulo ng Pilipinas.
_____ 17. Matatamis ang mangga na galling sa Cebu.
_____ 18. Ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalaking karagatan sa mundo.
_____ 19. Matalino ang batang mabait.
_____ 20. Lahat ng tao ay nagsisimba tuwing Linggo.
V. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay sumasagot sa bakit o paano.
______________ 21. Dahan-dahang inilagay ni Matilda ang mga itlog sa mesa.
______________ 22. Palaging nag-aaral ng leksyon si Dan kaya laging mataas ang kanyang marka.
______________ 23. Tahimik na nakikinig ang mga bata sa kanilang guro.
______________ 24. Sapagkat may mahabang pagsusulit sila kinabukasan.
______________ 25. Isa-isa nilang pinag-aralan ang mga parte ng katawan.
VI. Isulat ang P kung ang kayarian ng pangungusap ay payak; H kung hugnayan atT kung tambalan.
_____ 26. Upang hindi ka mahuli sa klase dapat ay maaga kang gumising.
_____ 27. Si Aling Isabel ang namamalengke at nagluluto.
_____ 28. Sama-sama tayong gumawa upang umunlad ang bansa.
_____ 29. Aalis na ba tayo o hihintayin pa natin sila?
_____ 30. Naglalaba si nanay at nagluluto si ate.
VII. Isulat ang ayos ng pangungusap sa patlang. Pagkatapos, isulat sa karaniwang ayos ang mga pangungusap na di-karaniwan at sa di-karaniwang ayos ang mga karaniwan.
_____ 31. Matipid sa gamit ang mag-iina.
                  _______________________________________________________________________________
_____ 32. Ang mga kabataan ay nagmamano sa matatanda.
_______________________________________________________________________________
_____ 33. Lumipat sa lungsod ang pamilya Cruz.
_______________________________________________________________________________
_____ 34. Ang pagbabasa ay mabuting libangan.
_______________________________________________________________________________
_____ 35. Sila ay matalinong namili ng kagamitan.
_______________________________________________________________________________


VIII. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi.
_____ 36. Maraming Amerikano ang namasyal kahapon.
_____ 37. Kailangang tumulong tayo sa pamahalaan.
_____ 38. Nagkita-kita sila sa Liwasang Bonifacio upang magtipon-tipon.
_____ 39. Doktora ang nanay niya.
_____ 40. Masaya silang kumain sa McJolly kanina.

B. Isulat sa patlang ang K kung ang pangngalan ay kongkreto. DK kapag di-kongkreto.

_____ 41. sopas
_____ 42. pighati
_____ 43. paninda
_____ 44. katamaran
_____ 45. pahayagan


IX. Kilalanin ang gamit ng pangngalang nakasalangguhit. Isulat ang P kung paksa; PN kung panaguri; DTL kung di-tuwirang layon at TL kung tuwirang layon.
_____ 46. Ang bulaklak sa hardin ay namumukadkad.
_____ 47. Siya ay isang abogado.
_____ 48. Kumain ng tinapay ang mga batang lansangan.
_____ 49. Ginawa nila ito para sa barangay.
_____ 50. Sumulat ng liham si Margaret kagabi.

X. Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga pangngalang nakasalangguhit. Isulat sa patlang ang sagot.
______________ 51. Ako at si Adel na po ang bibili ng mangga.
______________ 52. Nakita namin si Lloyd at Nigel sa mall.
______________ 53. Sasamahan ka ni Joy sa kantina.
______________ 54. Pupuntahan ka nina Kaye, Dovie, at Lyn sa bahay mo.
______________ 55. Ikaw at ako ay patuloy na magdasal para sa ating bayan.

  B. Salangguhitan ang panghalip sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ang kaukulan nito ay palagyo o paari.
______________ 56. Bakit nawala ang lapis ko?
______________ 57. Kita ay magsisimba sa Antipolo.
______________ 58. Ano ang iuulat ninyo?
______________ 59. Sila lamang ang dumalo sa pulong kanina.
______________ 60. Nasalanta ng El Nino ang aming palayan.

XI. Punan ng angkop na panghalip pananong ang patlang sa bawat pangungusap.
61. ______________ kaya ang mga nagtapon ng basura sa lugar na iyon?
62. ______________ kulay ang gusto mo, yung pula o puti?
63. ______________ kalaki ang sinasakyang barko ng tatay mo?
64. ______________ ang kailangan mo para makabili ka na ng sapatos?
65. ______________ makikita ang mga pook-pasyalan ng ating bansa?
XII. Bilugan ang panghalip sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay pamatlig o panaklaw.
______________ 66. Ganito ang paggawa ng bag.
______________ 67. Saanman tayo magpunta ay kailangan ito.
______________ 68. Ang napili ni Rose ay pulos magaganda.
______________ 69. Ang lahat ay nagkakaisa para sa kalayaan ng Pilipinas.
______________ 70. Diyan mo na ilagay ang basket.
XIII. Bilugan ang pandiwang ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay perpektibo,imperpektibo o kontemplatibo.
______________ 71. Nagdarasal na ang mga babae.
______________ 72. Ang mga bata ay magsasayaw sa darating na palatuntunan.
______________ 73. Nakita ko na ang Bulkang Mayon.
______________ 74. Masama ang pakiramdam ko, para akong magkakasakit.
______________ 75. Ang malnutrisyon ay nagsisilbing banta sa kalusugan ng bawat Pilipino.

  B. Buuin ang mga pandiwa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga aspekto nito sa patlang.
       

Pawatas
76. maipakita
77. tumawid
78. ihawin
79. magsalita
80. tumula
      Perpektibo
______________
______________
______________
______________
______________
   Imperpektibo
______________
______________
______________
______________
______________
   Kontemplatibo
______________
______________
______________
______________
______________


XIV. Bilugan ang pang-uri sa loob ng pangungusap at salangguhitan ang salitang nilalarawan nito.
81. Ang masisipag na langgam ay nagiimbak ng makakain.
82. Ang pambihirang nilalang ay nakasuot ng maskara.
83. Yari sa mamahaling bato ang damit ng hari.
84. Napagod sa kakatakbo ang mga batang naglalaro sa lansangan.
85. Binigyan niya ang pulubi ng kapirasong tinapay.

B. Salangguhitan ang mga pang-uri sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay lantay,pahambing o pasukdol.
______________ 86. Puting-puti ang mga nilabhan ni Inday na mga damit.
______________ 87. Matatalinong mga bata sina Crystal, Jade at Garnet.
______________ 88. Sintamis ng manggang ito ang atis na yan.
______________ 89. Madali lang ang naging pagsusulit namin sa Filipino kahapon. 
______________ 90. Saksakan ng asim ang sukang dala ng Lola Pat ko.

filipino worksheet



FILIPINO 5
I. A. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap. Isulat ang K kung ito ay kongkreto; DK- di- kongkreto at L kung lansakan.
____ 1. Nagtangkang manakop si Ferdinand Magellan at nagtagumpay siya.
____ 2. Pinapastol niya ang mga kawan ng tupa.
____ 3. Ang kabayanihan niya ay ipinagdiriwang palagi.
____ 4. Ang mga lumang diyaryo ay maaari pang gamitin.
____ 5. Ang koro ay handa nang umawit.
B. Salangguhitan ang mga pangngalan sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi.
______ 6. Magaganda ang tanawin sa Baguio.
______ 7. Dentista ang tumulong sa kaniya.
______ 8. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
______ 9. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
______ 10. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
 C. Isulat sa patlang ang kasalungat na kasarian ng mga sumusunod na pangngalan.

11. bibibini   -   _____________
12. mister     -   _____________
13. barako    -   _____________
14. duke       -    _____________
15. inahin     -   _____________

 D. Tukuyin ang gamit ng pangngalang may salangguhit sa pangungusap. Pumili ng sagot sa ibaba. Isulat ang titik lamang.

             A. simuno                              E. panawag
             B. panaguri                            F. pamuno
             C. layon ng pandiwa              G. paari
             D. layon ng pang-ukol            H. balintiyak

______ 16. Ang magiting na tagapagsalita ay pinalakpakan dahil sa husay niya.
______ 17. Binigay ko kay Jose ang mga pinaglumaan kong damit.
______ 18. Ginapas ng magsasaka ang mga tubo sa halamanan.
______ 19. Luis, halika nga rito.
______ 20. Si Louil, na matalik kong kaibigan, ay nasa Italya na.
______ 21. Ang aking mga kapatid ay kapwa matatalino.
______ 22. Isang maunawaing ina si Doris.
______ 23. Binili ni Karen ang mga laruan sa Hongkong.
______ 24. Inayos ng ama niya ang mga nasirang upuan.
______ 25. Namumunga na ang mga pananim ni Lolo.
II. Salangguhitan ang panghalip sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay palagyo, paari o palayon.
______________ 26. Magtanim kayo ng mga gulay sa hardin.
______________ 27. Huwag ninyong sirain ang ating kalikasan.
______________ 28. Ininom  ko na ang gamot sa loob ng ref.
______________ 29. Nawala ang wallet niya sa Quiapo.
______________ 30. Ipinamahagi niya ang pagkain sa mahihirap.
 B. Palitan ang mga nakasalangguhit na salita/mga salita ng angkop na panghalip pananong. Isulat ang tamanag sagot  sa patlang.
______________ 31. Sina Dory at Nemo ay naligaw sa karagatan.
______________ 32. Nagpunta sa Hollywood California ang mag-anak.
______________ 33. Mas gusto niya ang Choco-nut kesa peanut butter.
______________ 34. Bumili si Jade ng 50 metrong lubid na straw kay Ate Tina.
______________ 35. Nakahanap siya ng tig-sampung pisong panyo sa tiangge.
C. Bilugan ang panghalip sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay pamatlig o panaklaw.
______________ 36. Pulos bulok na ang mga manggang paninda sa palengke.
______________ 37. Doon kami madalas magpunta sa parke.
______________ 38. Kahit anuman ang mangyari, hindi kita pababayaan.
______________ 39. Dito mo na ilagay ang mga gamit mo.
______________ 40. Hayun ang sumabit na saranggola sa poste.


III. Salangguhitan ang mga pandiwang ginamit sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang ang aspekto nito.
______________ 41. Ang mga bata ay nakikinig ng maayos sa kanilang guro.
______________ 42. Magdidiwang  ng ika-10 anibersaryo ang paaralan.
______________ 43. Maaga pa lang ay naglilinis na si Mang Ambo ng kanyang hardin.
      ______________44. Magbigay ka ng tulong sa mga mahihirap.
______________ 45. Si Tatay ay tatawag bukas.
______________ 46. Matulog ka ng maaga mamaya.
IV. Salangguhitan ang pokus ng pandiwa. Bilugan ang pandiwang ginamit. Isulat sa patlang ang T kung ito ay tagaganap; L kung layon; at G kung ganapan.
______________ 47. Si Dr. Jose Rizal ang nagsulat ng Noli Mi Tangere at El Fibusterismo..
______________ 48. Itinatag niya ang La Liga Pilipinas.
______________ 49. Pinaglutuan ang bagong palayok ng sinigang.
______________ 50. Pumasa si Ana sa pagsusulit.
______________ 51. Ipinapatimpla siya ng kape ng mga panauhin.
______________ 52. Ang malaking basket ay pinagsidlan ng mga paninda.
V. Salangguhitan ang mga pangatnig na ginamit sa pangungusap.
53. Siya ang unang umamin, samakatwid isa siya sa may kasalanan.
54. Gutom pa rin ang lalaki kahit marami na siyang kinaing kanin.
55. Papasukin mo ang bisita sakaling dumating na.
56. Si Mabel o si Rose ang lalahok sa patimpalak.
57. Masipa si Jade subalit sumpungin.
58. Ikaw ang kasali maliban sa kaibigan mo.
B. Bilugan ang wastong pang-ukol para sa bawat pangungusap.
59. (Para kay, Ayon kay, Tungkol kay) Inay ang mga pulang rosas na dala ko.
60. Huwag mong gawin ang mga bagay na (ayon sa, mula sa, labag sa)iyong kalooban.
61. Ang plataporma niya ay (labag sa, laban sa, tungo sa) ikauunlad ng ating bansa.
62. (Ayon sa, Para sa, Ukol sa) mga drayber ng dyip, magtataas na sila ng pamasahe.
63. Ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at estero ay (ayon sa, labag sa, tungkol sa) batas.
64. Ginagawa ng mga magulang ang lahat (para kay, para sa, ukol sa ) kanilang mga anak.
C. Bilugan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.
    65. Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
    66. Ang mga papel na basa ay inihiwalay niya ng lalagyan.
    67. Dinala sa ospital ang mga sugatang sundalo.
    68. Ang paborito niyang itim na blusa ay binigay niya sa kaibigan.
    69. Masusustansiyang pagkain ang dapat na kinakain mo upang di ka magkasakit.
70. Mahilig kumain ng sariwang gulay si Jello.
VI. Isulat ang K sa patlang kung katotohanan ang pahayag, O kung ito ay opinyon ayon sa kwentong “Ang Magkakaputol”.
______ 71. Ayon sa kwento, pinakamariwasa sa kanilang bayan si Don Felix.
______ 72. Nananahan ang magkakapatid sa isang malaki at magarang tahanan.
______ 73. Ang bunsong si May ay matapobre at maramot raw.
______ 74. Dinapuan ng isang malubhang karamdaman ang kanilang ina.
______ 75. Tiyak na ipamamana ka May ang magarang bahay.
VII. Bilugan ang pang-uri. Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga sumusunod na pangungusap.
_____________ 76. Maliit na maliit na ang damit na yan para sa iyo.
_____________ 77. Si Ate Roshel at Juice ay magkasingtangkad na.
_____________ 78. Maamo ang nahawakan kong tigre.
_____________ 79. Ubod ng tamis ang natikaman ni Candice na mangga.
_____________ 80. Singbilis ng humaharurot na sasakyan ang kabayo.
C. Bumuo ng mga pangungusap tungkol sa pangkat ng mga pangngalan na gumagamit ng tatlong kaantasan ng pang-uri. Gamitin ang pang-uri sa panaklong.
 pusa – aso – elepante (malaki)
81. Lantay _________________________________________________________
82. Pahambing _________________________________________________________
83. Pasukdol _________________________________________________________

 pinya – manggang hilaw – santol (maasim)
84. Lantay _________________________________________________________
85. Pahambing _________________________________________________________
86. Pasukdol _________________________________________________________

IX. Ipaliwanag sa maiksing pangungusap ang mga sumusunod na salawikain.
87-88. Ang mga anak na tumatawag sa Diyos, sa biyaya ay napupuspos.


89-90. Kung may itinanim may aanihin.