FILIPINO gr. 3
I. Lagyan ng simbolo ang salitang may salangguhit.
Isulat sa patlang ang bigkas nito.
______________ 1. puno ng bayabas
______________ 2. tumakbo ang bata
______________ 3. basa sa pawis
______________ 4. mabangong bulaklak
______________ 5. puting keso
II. Isulat sa
unang patlang ang salitang-ugat ng may salangguhit na salita. Sa isang patlang,
isulat ang uri ng panlaping ikinabit dito.
______________ ______________ 6.
Si Cherry ay nag-iipon para sa kinabukasan niya.
______________ ______________ 7.
Dapat nating bayaran ang ating pagkakautang.
______________ ______________ 8. Huwag
paluhain ang mga taong minamahal.
______________ ______________ 9. Naklimutan
ko ang aking aklat kahapon.
______________ ______________ 10. Si Melissa ay sumulat ng
isang sanaysay.
III. Isulat ang P kapag payak ang salita; M kapag maylapi; I kung inuulit at T kapag tambalan.
_____ 11. luntian
_____ 12. pamatid-gutom
_____ 13. binyag
_____ 14. mayamaya
_____ 15. pasukan
IV. Isulat sa patlang ang O
kung ang pangungusap ay nagsasaad ng opinion
at K kung katotohanan.
_____ 16. Si Cory Aquino ay naging pangulo ng Pilipinas.
_____ 17. Matatamis ang mangga na galling sa Cebu.
_____ 18. Ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalaking karagatan sa mundo.
_____ 19. Matalino ang batang mabait.
_____
20. Lahat ng tao ay nagsisimba tuwing Linggo.
V. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay sumasagot sa bakit o paano.
______________ 21. Dahan-dahang inilagay ni Matilda ang
mga itlog sa mesa.
______________ 22. Palaging nag-aaral ng leksyon si Dan
kaya laging mataas ang kanyang marka.
______________ 23. Tahimik na nakikinig ang mga bata sa
kanilang guro.
______________ 24. Sapagkat may mahabang pagsusulit sila
kinabukasan.
______________ 25. Isa-isa nilang pinag-aralan ang mga parte
ng katawan.
VI. Isulat ang P kung ang
kayarian ng pangungusap ay payak; H kung hugnayan atT kung tambalan.
_____ 26. Upang hindi ka mahuli sa klase dapat ay maaga
kang gumising.
_____ 27. Si Aling Isabel ang namamalengke at nagluluto.
_____ 28. Sama-sama tayong gumawa upang umunlad ang
bansa.
_____ 29. Aalis na ba tayo o hihintayin pa natin sila?
_____ 30. Naglalaba si nanay at nagluluto si ate.
VII.
Isulat ang ayos ng pangungusap sa patlang. Pagkatapos, isulat sa karaniwang
ayos ang mga pangungusap na di-karaniwan at sa di-karaniwang ayos ang mga
karaniwan.
_____ 31. Matipid sa gamit ang
mag-iina.
_______________________________________________________________________________
_____ 32. Ang mga
kabataan ay nagmamano sa matatanda.
_______________________________________________________________________________
_____ 33. Lumipat sa lungsod ang
pamilya Cruz.
_______________________________________________________________________________
_____ 34. Ang pagbabasa ay mabuting
libangan.
_______________________________________________________________________________
_____ 35. Sila ay matalinong namili
ng kagamitan.
_______________________________________________________________________________
VIII.
Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi.
_____
36. Maraming Amerikano ang namasyal kahapon.
_____
37. Kailangang tumulong tayo sa pamahalaan.
_____
38. Nagkita-kita sila sa Liwasang Bonifacio upang magtipon-tipon.
_____
39. Doktora ang nanay niya.
_____
40. Masaya silang kumain sa McJolly kanina.
B. Isulat sa patlang ang K kung ang pangngalan ay kongkreto. DK kapag di-kongkreto.
_____
41. sopas
_____
42. pighati
_____
43. paninda
_____
44. katamaran
_____
45. pahayagan
IX.
Kilalanin ang gamit ng pangngalang nakasalangguhit. Isulat ang P kung paksa; PN kung panaguri; DTL kung di-tuwirang layon
at TL kung tuwirang layon.
_____
46. Ang bulaklak sa hardin ay namumukadkad.
_____
47. Siya ay isang abogado.
_____
48. Kumain ng tinapay ang mga batang lansangan.
_____
49. Ginawa nila ito para sa barangay.
_____
50. Sumulat ng liham si Margaret kagabi.
X.
Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga pangngalang nakasalangguhit.
Isulat sa patlang ang sagot.
______________
51. Ako at si Adel na po ang bibili ng mangga.
______________
52. Nakita namin si Lloyd at Nigel sa mall.
______________
53. Sasamahan ka ni Joy sa kantina.
______________
54. Pupuntahan ka nina Kaye, Dovie, at Lyn sa bahay mo.
______________
55. Ikaw at ako ay patuloy na magdasal para sa ating bayan.
B.
Salangguhitan ang panghalip sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ang
kaukulan nito ay palagyo o paari.
______________
56. Bakit nawala ang lapis ko?
______________
57. Kita ay magsisimba sa Antipolo.
______________
58. Ano ang iuulat ninyo?
______________
59. Sila lamang ang dumalo sa pulong kanina.
______________
60. Nasalanta ng El Nino ang aming palayan.
XI.
Punan ng angkop na panghalip pananong ang patlang sa bawat pangungusap.
61.
______________ kaya ang mga nagtapon ng basura sa lugar na iyon?
62.
______________ kulay ang gusto mo, yung pula o puti?
63.
______________ kalaki ang sinasakyang barko ng tatay mo?
64.
______________ ang kailangan mo para makabili ka na ng sapatos?
65.
______________ makikita ang mga pook-pasyalan ng ating bansa?
XII. Bilugan ang
panghalip sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay pamatlig o panaklaw.
______________ 66. Ganito ang paggawa
ng bag.
______________ 67. Saanman tayo
magpunta ay kailangan ito.
______________ 68. Ang napili ni Rose
ay pulos magaganda.
______________ 69. Ang lahat ay
nagkakaisa para sa kalayaan ng Pilipinas.
______________ 70. Diyan mo na ilagay
ang basket.
XIII.
Bilugan ang pandiwang ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay perpektibo,imperpektibo o kontemplatibo.
______________ 71.
Nagdarasal na ang mga babae.
______________ 72.
Ang mga bata ay magsasayaw sa darating na palatuntunan.
______________ 73.
Nakita ko na ang Bulkang Mayon.
______________ 74.
Masama ang pakiramdam ko, para akong magkakasakit.
______________ 75.
Ang malnutrisyon ay nagsisilbing banta sa kalusugan ng bawat Pilipino.
B. Buuin ang mga pandiwa sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga aspekto nito sa patlang.
Pawatas
76. maipakita
77. tumawid
78. ihawin
79. magsalita
80. tumula
Perpektibo
______________
______________
______________
______________
______________
Imperpektibo
______________
______________
______________
______________
______________
Kontemplatibo
______________
______________
______________
______________
______________
XIV. Bilugan ang pang-uri sa loob ng pangungusap at salangguhitan ang
salitang nilalarawan nito.
81. Ang masisipag na langgam ay nagiimbak ng makakain.
82. Ang pambihirang nilalang ay nakasuot ng maskara.
83. Yari sa mamahaling bato ang damit ng hari.
84. Napagod sa kakatakbo ang mga batang naglalaro sa
lansangan.
85. Binigyan niya ang pulubi ng kapirasong tinapay.
B. Salangguhitan ang mga pang-uri sa loob
ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay lantay,pahambing o pasukdol.
______________
86. Puting-puti ang mga nilabhan ni Inday na mga damit.
______________
87. Matatalinong mga bata sina Crystal, Jade at Garnet.
______________
88. Sintamis ng manggang ito ang atis na yan.
______________ 89.
Madali lang ang naging pagsusulit namin sa Filipino kahapon.
______________ 90. Saksakan ng asim ang sukang
dala ng Lola Pat ko.
No comments:
Post a Comment