Tuesday, February 12, 2013

filipino 6 worksheet

                   

   

FILIPINO 6

I. Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_________________ 1. Ito ay akdang nasa anyong patula.
_________________ 2. Ito ay salitang meheikanong binalbal na ang ibig sabihin ay isang pangyayaring naganap.
_________________ 3. Ito ay may sukat na wawaluhin din at may isahang tugma.
_________________ 4. Siya ang pinalagay na may akda ng Ibong Adarna.
_________________ 5. Bilang ng saknong ng Ibong Adarna.
_________________ 6. Bilang ng pahina ng Ibong Adarna.
_________________ 7. Ito ay salitang naglalarawan sa pang-uri o pandiwa.
_________________ 8. Ito ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi patitik o hindi tahas.
_________________ 10. Pahayag na gumagamit ng simbolo bilang pamalit sa tinutukoy nito.
_________________ 11. Pahayag na sarkastiko kung saan ang layon ay hindi naman talaga ang pumuri kundi ang uminsulto.
_________________ 12. Ito ay paglalarawan gamit ang tunog.
_________________ 13. Paghahambing ng dalawang bagay subalit ang inihahambing ay ang kaugnayan ng mga ito at hindi ang kanilang katangian.
_________________ 14. Ito ay di-tuwirang pagtukoy sa tao, pook, pangyayari o kaisipan sa literatura, kasaysayan, pulitika, atbp.
_________________ 15. Ito ay ang pag-uuli-ulit ng tunog ng isang katinig maging sa simula o magkakalapit na pantig o salita.
_________________ 16. Lantarang paghahambing ng dalawang bagay na hindi naman magkatulad.
_________________ 17. Ito ay uri ng pang-abay na naglalarawan kung saan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa.
_________________ 18. Uri ng pang-abay na nagpapahiwatig ng kawalang katiyakan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.
_________________ 19. Ito ay uri ng tayutay na ang paglalarawan ay likha ng kaisipan lamang.
_________________ 20. Uri ng tayutay na deretsahang pinaghahambing ang dalawang bagay na hindi naman magkatulad.
_________________ 21. Tayutay na gumagamit ng simbolo bilang pamalit sa tinutukoy nito.
B. Tukuyin ang tayutay na isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_________________ 22. O, tukso, layuan mo ako!
_________________ 23. Narinig niya ang klang klang ng nahuhulog na mga lata mula sa itaas.
_________________ 24. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
_________________ 25. Tulad ng ibong nakawala sa hawla, siya ay masayang patalon-talon    nang makalabas siya ay malanghap ang sariwang hangin.
_________________ 26. Matalino ka ngang talaga pagkat puro itlog ang iyong marka.
_________________ 27. Mag-isip, magsulat at magbasa kapag wala kang magawa.
_________________ 28. Abot langit ang pagmamahal niya sa akin.
_________________ 29. Ang kagandahan ko ay mistulang bituing nagniningning.
_________________ 30. Sumisigaw ang init ng araw sa kanyang pagod na pagod na likod.
_________________ 31. Ikaw ang aking Romeo at ako naman ang Julieta mo.
_________________ 32. Nagdiwang ang Malacañang sanhi ng pagpapalaya ng mga Pilipinong bihag ng mga pirata sa Somalia.
III. Punan ng angkop na katagang pang-abay ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Pumili ng sagot sa ibaba.
   muna         pala      daw         kasi        ba       man      na
     
33. Nakuha mo _______ ang pinabibigay kong kagamitan?
34. Alam _______ ng nanay niya ang ginawa niyang kalokohan.
35. Kumain _______ sila bago umalis.
36. Sarado na _______ ang McDonalds nang pumunta ako.
37. Hindi _______ ako nakapasok ng ilang araw, nakapasa pa rin ako sa exam.
38. Madali lang _______ ang pagsusulit sabi ni Bb. Bauyon.
IV.BIlugan ang pang-abay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang uri nito.
_________________ 39. Tuwing Pasko ay nagsasalu-salo ang mag-anak sa noche buena.
_________________ 40. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
_________________ 41. Makakamit ang pagbabagong inaasam kung buong-puso tayong makikiisa sa pagkilos.
_________________ 42. Maraming nagsasaliksik sa silid-aklatan.
_________________ 43. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ina.
_________________ 44. Marami na marahil ang nakakaalam sa pasya ng Sandiganbayan.
_________________ 45. Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang mga gamit.

2 comments: