Showing posts with label pang-abay. Show all posts
Showing posts with label pang-abay. Show all posts

Tuesday, February 12, 2013

filipino 6 worksheet

                   

   

FILIPINO 6

I. Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_________________ 1. Ito ay akdang nasa anyong patula.
_________________ 2. Ito ay salitang meheikanong binalbal na ang ibig sabihin ay isang pangyayaring naganap.
_________________ 3. Ito ay may sukat na wawaluhin din at may isahang tugma.
_________________ 4. Siya ang pinalagay na may akda ng Ibong Adarna.
_________________ 5. Bilang ng saknong ng Ibong Adarna.
_________________ 6. Bilang ng pahina ng Ibong Adarna.
_________________ 7. Ito ay salitang naglalarawan sa pang-uri o pandiwa.
_________________ 8. Ito ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi patitik o hindi tahas.
_________________ 10. Pahayag na gumagamit ng simbolo bilang pamalit sa tinutukoy nito.
_________________ 11. Pahayag na sarkastiko kung saan ang layon ay hindi naman talaga ang pumuri kundi ang uminsulto.
_________________ 12. Ito ay paglalarawan gamit ang tunog.
_________________ 13. Paghahambing ng dalawang bagay subalit ang inihahambing ay ang kaugnayan ng mga ito at hindi ang kanilang katangian.
_________________ 14. Ito ay di-tuwirang pagtukoy sa tao, pook, pangyayari o kaisipan sa literatura, kasaysayan, pulitika, atbp.
_________________ 15. Ito ay ang pag-uuli-ulit ng tunog ng isang katinig maging sa simula o magkakalapit na pantig o salita.
_________________ 16. Lantarang paghahambing ng dalawang bagay na hindi naman magkatulad.
_________________ 17. Ito ay uri ng pang-abay na naglalarawan kung saan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa.
_________________ 18. Uri ng pang-abay na nagpapahiwatig ng kawalang katiyakan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.
_________________ 19. Ito ay uri ng tayutay na ang paglalarawan ay likha ng kaisipan lamang.
_________________ 20. Uri ng tayutay na deretsahang pinaghahambing ang dalawang bagay na hindi naman magkatulad.
_________________ 21. Tayutay na gumagamit ng simbolo bilang pamalit sa tinutukoy nito.
B. Tukuyin ang tayutay na isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_________________ 22. O, tukso, layuan mo ako!
_________________ 23. Narinig niya ang klang klang ng nahuhulog na mga lata mula sa itaas.
_________________ 24. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
_________________ 25. Tulad ng ibong nakawala sa hawla, siya ay masayang patalon-talon    nang makalabas siya ay malanghap ang sariwang hangin.
_________________ 26. Matalino ka ngang talaga pagkat puro itlog ang iyong marka.
_________________ 27. Mag-isip, magsulat at magbasa kapag wala kang magawa.
_________________ 28. Abot langit ang pagmamahal niya sa akin.
_________________ 29. Ang kagandahan ko ay mistulang bituing nagniningning.
_________________ 30. Sumisigaw ang init ng araw sa kanyang pagod na pagod na likod.
_________________ 31. Ikaw ang aking Romeo at ako naman ang Julieta mo.
_________________ 32. Nagdiwang ang MalacaƱang sanhi ng pagpapalaya ng mga Pilipinong bihag ng mga pirata sa Somalia.
III. Punan ng angkop na katagang pang-abay ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Pumili ng sagot sa ibaba.
   muna         pala      daw         kasi        ba       man      na
     
33. Nakuha mo _______ ang pinabibigay kong kagamitan?
34. Alam _______ ng nanay niya ang ginawa niyang kalokohan.
35. Kumain _______ sila bago umalis.
36. Sarado na _______ ang McDonalds nang pumunta ako.
37. Hindi _______ ako nakapasok ng ilang araw, nakapasa pa rin ako sa exam.
38. Madali lang _______ ang pagsusulit sabi ni Bb. Bauyon.
IV.BIlugan ang pang-abay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang uri nito.
_________________ 39. Tuwing Pasko ay nagsasalu-salo ang mag-anak sa noche buena.
_________________ 40. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
_________________ 41. Makakamit ang pagbabagong inaasam kung buong-puso tayong makikiisa sa pagkilos.
_________________ 42. Maraming nagsasaliksik sa silid-aklatan.
_________________ 43. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ina.
_________________ 44. Marami na marahil ang nakakaalam sa pasya ng Sandiganbayan.
_________________ 45. Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang mga gamit.

filipino 4 worsheet



FILIPINO 4
I. Isulat sa patlang kung ang lipon ng mga salita ay parirala, sugnay o pangungusap.
______________ 1. masigasig na nagtatrabaho
______________ 2. dahil delikado ang panahon ngayon
______________ 3. kumuha ka ng tubig
______________ 4. kung nag-aaral ka
______________ 5. tara na
II. Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi; B kung pambalana at L kung lansakan ang salitang nasa loob ng panaklong.
    ______ 6. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas.
    ______ 7. Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin.
    ______ 8. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
    ______ 9. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas.
    ______ 10. Ang (koponan)ng mga Hapon ay natalo sa pagbabalik ng mga Amerikano.
    B. Isulat sa patlang ang K kung ang pangngalan ay kongkreto. DK kapag di-kongkreto.

_____ 11. tuwalya
_____ 12. kaayusan
_____ 13. Dalamhati
     _____ 14. bahay-kubo
_____ 15. deboto


III. Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT kung pantangi.
_____ 16. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas sila nag-aaral.
_____ 17. Dentista ang mga magulang niya.
_____ 18. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
_____ 19. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
_____ 20. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
IV. Palitan ng angkop na panghalip panao ang mga pangngalang nakasalangguhit. Isulat sa patlang ang sagot.
______________ 21. Si Rod at Ali ang maghahatid sa mga bisita.
______________ 22. Ako at ang mga kapitbahay namin ang nagtutulungan upang mapaganda ang aming barangay.
______________ 23. Hinahanap ka ni Randy kanina.
______________ 24. Baon ko at ni Kuya ang hinahatid ni Kuya Akoy araw-araw.
______________ 25. Sasama ka ba at si Ariel sa pamimili mamaya?
 B. Isulat sa mga patlang ang kailanan at panauhan ng mga sumusunod na panghalip.

26. amin          ______________  _____________
27. kanya        ______________  _____________
28. mo            ______________  _____________
29. siya           ______________  _____________
30. kanila        ______________  _____________

D. Salangguhitan ang panghalip sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay palagyo,paari o paukol.
______________ 31. Magtatanim sa amin ang mga magsasaka.
______________ 32. Huwag ninyong sirain ang ating kalikasan.
______________ 33. Kanilang ibenenta ang mga lumang dyaryo at bote.
______________ 34. Nawala ang wallet niya sa Quiapo.
______________ 35. Bukas na kita sasamahan sa bayan.

V. Salangguhitan ang mga pandiwang ginamit sa loob ng pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay perpektibo, imperpektibo o kontemplatibo.
______________ 36. Dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong Marso 15, 1512.
______________ 37. Nababagalan ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa colonial mentality.
______________ 38. Lilibutin namin ang buong Tagaytay sa bakasyon.
______________ 39. Ipinagbabawal ang pagkuha sa mga pambansang bantayog.
______________ 40. Kagabi pa tinapos ng mga bata ang kanilang proyekto sa Filipino.
 VI. Isulat sa patlang kung lantay, pahambing, o pasukdol ang mga nakasalangguhit na pang-uri.
_____________ 41. Maliit na maliit na ang damit na yan para sa iyo.
_____________ 42. Si Ate Roshel at Juice ay magkasingtangkad na.
_____________ 43. Maamo ang nahawakan kong tigre.
_____________ 44. Ubod ng tamis ang natikaman ni Candice na mangga.
_____________ 45. Singbilis ng humaharurot na sasakyan ang kabayo.


B. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay: A- panlarawan; B- pamilang; C- paari; D- pantangi.
_____ 46. Nagpupunta dito sa Pilipinas ang mga Koreano upang matuto ng wikang Ingles.
_____ 47. Ang aklat ay nasa ika-pitong edisyon na.
_____ 48. Malala na pala ang sakit ni Lolo.
_____ 49. Nanakaw ang bag niya sa Quiapo.
_____ 50. Maputik at gusut-gusot ang polo ni Juice nang umuwi  siya.
VIII. Bilugan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.
    51. Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
    52. Ang mga papel na basa ay inihiwalay niya ng lalagyan.
    53. Dinala sa ospital ang mga sugatang sundalo.
    54.  Ang paborito niyang itim na blusa ay binigay niya sa kaibigan.
    55. Masusustansiyang pagkain ang dapat na kinakain mo upang di ka magkasakit.
IX. Salangguhitan ang wastong pang-ukol para sa bawat pangungusap.
56. (Laban sa, Tungkol sa, Ayon sa ) batas ang magnakaw.
57. Ang seminar na ginanap ay (para sa, kay, ayon sa) pangangalaga ng mga endangered na hayop.
58. (Ayon sa , Tungkol sa, Labag sa) mga Kastila, pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang pakay nila sa Pilipinas.
59. Ang balita ay (ayon kay, tungkol kay, hinggil sa) pagpapatalsik kay Chief Justice Corona.
60. Sinundo ko (kay, ng, sa) kanto ang nakababata kong kapatid.
X. Salangguhitan ang mga pang-abay at bilugan ang salitang tinuturingan. Sa patlang, isulat ang uri nito.
_____________ 61. Sa tabi ng bahay siya nagtago.
_____________ 62. Sunud-sunod na nagmano ang mga inaanak ni Mang Ben.
_____________ 63. Nanakaw yata ang wallet ko sa bag.
_____________ 64. Ang naani nilang gulay ay kaunti lamang.
_____________ 65. Ayaw kong sumama sa iyo.
_____________ 66. Paiyak na nagsumbong ang batang inaway.
_____________ 67. Dumating na kani-kanina lang ang mga bisita.
_____________ 68. Talagang mahusay na aktor si Nicolas Cage.
B. Gumawa ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-abay.
69. pagalit
________________________________________________________________________________
70. tunay
________________________________________________________________________________
71. wala
________________________________________________________________________________
72. gaya
________________________________________________________________________________
XI. Magbigay ng tatlong halimbawa ng karapatan ng mga bata.
73. ________________________________________________________________________________
74. ________________________________________________________________________________
75. ________________________________________________________________________________
XII. Tukuyin ang mga bahagi ng aklat. Isulat ang sagot sa patlang.
_______________ 76. Makikita dito ang mga kahulugan ng mga pili at mahahlagang salitang ginamit sa aklat.
_______________ 77. Nakasulat dito ang mga pamagat ng bawat yunit at mga paksang babasahin kasama ang mga babasahin kasama ang mga pahina kung saan ito matatagpuan.
_______________ 78. Nakasaad dito ang pagkakalimbag ng aklat, ang lugar at pangalan ng palimbagan pati na rin ang tungkol sa pagmamay-ari at karapatang maglimbag.
_______________ 79.  Nagsasaad ito ng mga paksang nakaayos nang paalpabeto at ang mga pahina kung saan ito matatagpuan.
_______________ 80. Makikita dito ang layunin kung bakit sinulat ang aklat.